| Building Facade | Magnolia Place Apartment For Rent |
Sa pagusbong ng makabagong panahon hindi na maikakaiala ang patuloy na pag-unlad sa buhay ng tao na mula sa simpleng pamumuhay ngayon ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Hindi lang naman ang buhay ng tao ang naimpluwensiyahan sa pagpasok ng makabagong milenyo bagkus ang mga bagay-bagay ay nagkaroon din ng pagbabago. Kung noon sanay ang mga tao sa mga gawaing mano-mano, sa ngayon ay naging katuwang na sa buhay ang mga modernong kagamitan na siyang naghahatid ng mas mabilis na aksyon at magandang resulta kabalikat ang makabagong teknolohiya. Dahil sa mga benepisyong hatid nito hindi na nakakapagtakang magbago ang buhay ng mga tao at isa na marahil sa napakagandang halimbawa’t patunay ang pagkakaroon ng mga modernong uri ng tirahan sa mga pangunahing lungsod sa bansa. Ito ay mas kilala bilang modern residential communities na binubuo ng mga condominium buildings. Naging kapaki-pakinabang ang pagkakaroon nito sa mga tao na siyang naghahatid ng maraming benepisyo. Isa sa mga ito ang pagkakaroon ng isang magandang lokasyon at dahil mayroong sariling modernong komunidad ang mga pangunahing lungsod sa ating bansa ito’y naging posible at abot kamay. Ang pagpili ng tirahan na may magandang lokasyon ay isa sa mga mahahalagang aspeto na dapat isaalang-alang. Sa pagpapatuloy, hindi na nakakapagtakang magtaglay ng ilang modernong komunidad ang lugar na may pinakamaraming tao sa bansa walang iba kundi ang Quezon City. Bukod sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno, mga establisyemento ay nagtataglay din ito ng mga modern residential communities at isa sa mga tanyag dito ang Magnolia Place Apartment For Rent na matatagpuan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue Extension. Malapit din ito sa mga prime locations tulad ng commercial sites, business centers, well-known schools, hospitals at maging ang pangunahing trasnportasyon ay hindi problema. Sa madaling salita taglay nito ang katangiang malapit sa lahat ng inyong kailangan.
![]() |
| Entrance Gate | Magnolia Place Apartment For Rent |
Lubos din nitong pinagmamalaki bukod sa magandang lokayson ang taglay nitong modernong disenyo at natatanging katangian. Ilan sa mga modernong disenyo na ito ang Neo-Asian architecture, ito ay tumutukoy sa modern interpretation of traditional Asian characteristics tulad ng paggamit ng earth-toned walls and roofs inspired by color beige and brown providing that light and interesting contrast, accent bricks and beige moldings, alternating overhangs, deep-set balconies with railing treatment also use of modern materials of Asian arts. Bukod sa mga modernong tampok na ito, ang buong komunindad ay naglaan din ng sapat na lugar para sa open spaces na kinaroroonan din ng amenities area, themed gardens, water features, roads and landscaped walkways. Ang amenities area ang sikat na lugar kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang pasilidad at mga gawain. Ang outdoor amenities ay tumutukoy sa mga pasilidad na nasa paligid ng komunidad gaya ng curvilinear tree-lined drive, themed gardens and pocket parks, swimming pool, playing area and water features. Sunod dito ang clubhouse amenities kung saan nakapaloob sa lower ground floor ang opisina ng property management office at security office, matatagpuan din dito ang convenience store, water refilling station, audio-visual room and game room. Sa ibang palapag makikita naman ang lounge area, meeting room, bar, function room and fitness gym. Ang pinapangarap ninyong maginhawa at magaang pamumuhay ay naging posible dito sa Magnolia Place.
